^

Bansa

NHA, Meralco nagkasundo sa pagpapailaw sa mga pabahay ng gobyerno

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumagda sa isang memorandum of agreement ang National Housing Authority (NHA) at Manila Electric Company (Meralco) para madaluyan ng suplay ng kuryente ang mga Pabahay ng ahensiya.

Ang kasunduan ay pinirmahan nina NHA General Manager Joeben A. Tai, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino “Jerry” L. Acuzar, Social Housing Finance Corporation (SHFC) President and Chief Excecutive Officer (CEO) Frederico A. Laxa at Meralco Executive Vice President and CEO Engr. Ronnie L. Aperocho.

Layunin ng kasunduan na pagandahin ang kalidad ng pamumuhay ng mga benepisyaryo ng Pabahay ng NHA sa usaping enerhiya at kuryente.

Sa ilalim ng kasunduan, ang NHA at Meral­co ay magtutulungan na suportahan ang mga benepisyaryo sa pangangai­langan sa kuryente.

Kasama sa mga pangu­nahing hangarin ng MOU ang mabilis na pagkakaloob ng kuryente sa iba’t ibang proyekto ng NHA sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. Ito ay upang masiguro na hindi lamang de-kalidad, ligtas at komportableng pabahay ang matatamasa ng mga benepisyaryo kundi maunlad at progresibong komunidad na may mga pangunahing pangangailangan gaya ng kuryente.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni NHA GM Tai ang kahalagahan ng ugnayan ng NHA at Me­ralco upang magbigay ng tulong sa mga benepisyaryo ng pabahay.

MERALCO

NHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with