^

Bansa

SONA speech ni Marcos ‘fine tuning’ na lang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
SONA speech ni Marcos �fine tuning� na lang
Metro Manila Development Authority (MMDA) workers were seen installing tarpaulins for the upcoming third State of the Nation Address of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on electric posts along EDSA in Quezon City on Friday.
Miguel de Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Natapos na at “fine tuning” na lang ang ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang speech para sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes sa Batasang Pambansa.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na natapos na niya ang laman ng SONA at aayusin na lamang nila ito hanggang bukas.

“Tuluy-tuloy pero ‘yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa namin. Aayusin namin ‘yan lahat bukas at saka hanggang Linggo para maging handa sa SONA sa Lunes,” pahayag pa ng Pangulo.

Sa kabila nito, problema naman ng Presidente kung paano paiiksiin ang laman ng kanyang SONA.

“So, ang problema, napaka-marami ang gusto kong pag-usapan, baka humaba masyado, kaya hinahanapan namin, pina-prioritize namin lahat, tapos baka pwede makapag-explain ang ating mga secretary doon sa mga detalye ng iba. Kaya nandoon tayo ngayon, tapos na ‘yan. Sinusubukan lang natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na tatalakayin niya sa SONA ang mga nagawa ng administrasyon para mapaganda ang buhay ng mga Filipino.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with