^

Bansa

Pangulong Marcos sinasapinal na SONA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sinasapinal na SONA
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on July 15, 2024.
PPA pool photos by Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Isinasapinal na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang laman ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang anumang engagement ang Pangulo kahapon para tutukan ang paghahanda sa SONA.

Sinabi ni Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.

“The President is on top of finaling his SONA speech. He has no enggament today because he is preparing for the SONA”, ayon pa sa kalihim.

Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.

Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with