^

Bansa

‘Monster ship’ ng China, naka-angkla pa rin sa Escoda Shoal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananatili pa ring naka-angkla sa Escoda Shoal ang tinaguriang ‘monster ship’ ng China.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Ayon kay Tarriela, buhat noong Hulyo 3 hanggang nitong Miyerkules ng umaga, ay nananatili sa Escoda Shoal ang China Coast Guard (CCG) 5901, na pinakamalaking coast guard ship at kilala sa tawag na ‘The Monster.’

Aniya, buhat nang ma-monitor nila ang presensiya ng monster ship sa loob ng Escoda Shoal, o 600 yarda lamang ang layo mula sa BRP Terese Magbanua, ay hindi pa ito umaalis doon.

Ang Escoda Shoal, na isang coral reef formation, ay matatagpuan may 75 nautical miles mula sa Pa­lawan at ikinokonsiderang pasok sa 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kasalukuyang naka-istasyon ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal simula noong Abril, kasunod ng mga ulat na nagsasagawa ng reclamation activities doon ang China.

Una nang nagpahayag ng paniniwala si Tarriela na idineploy ng CCG ang kanilang monster ship sa Escoda Shoal upang i-intimidate ang BRP Teresa Magbanua, na siyang pinakamatagal na deployment ng Coast Guard sa WPS.

vuukle comment

ESCODA SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with