^

Bansa

59 milyong kabahayan makikinabang sa transmission line ng NGCP sa Bataan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
59 milyong  kabahayan makikinabang sa transmission line ng NGCP sa Bataan
Sinabi ng Pangulo na milestone project ito ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil makikinabang dito ang nasa 59 milyong kabahayan sa sandaling magsimula ang operasyon ng transmission line.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinasinayaan ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng Mariveles-Hermosa-San Jose 500 kilovolts (kV) Transmission Line sa Bataan.

Sinabi ng Pangulo na milestone project ito ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil makikinabang dito ang nasa 59 milyong kabahayan sa sandaling magsimula ang operasyon ng transmission line.

Kasama sa P20.94 bilyong Energy Project ng National Significance (EPNS) ang 395 transmission towers, 275.6 circuit kilometers of overhead lines, dalawang bagong substations at total substation capacity ng 2,000 megavolt-amperes (MVA).

Ayon naman kay NGCP President Anthony Alme­da, may kakayahang makapag-transmit ng 8,000 megawatt power mula sa planta ng kuryente sa Bataan at Zambales.

Sakop ng mabibigyang serbisyo ng binuksang Mariveles-Hermosa-San Jose Transmission Line ang power consumers sa Luzon.

Tiniyak naman ni Alme­da na marami pang gagawing malalaking ticket projects ang NGCP na makakatulong sa pamahalaan at pag-akyat ng ekonomiya ng bansa.

Nagpasalamat din si Almeda kay Pangulong Marcos sa ipinakitang commitment para mapaunlad pa ang imprastraktura sa bansa.

Bukod sa kabubukas ngayong Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV line ay nauna na ring binuksan ang big-ticket projects ng NGCP gaya ng Minda­nao-Visayas Interconnection, Cebu-Negros-Panay 230kV Interconnection at iba pa.

vuukle comment

MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with