^

Police Metro

PUV modernization tuloy sa kabila ng senate suspension reso - DOTr

Joy Cantos, Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pang-masa
PUV modernization tuloy sa kabila ng senate suspension reso - DOTr
Ayon kay DOTr Undersecretary Andy Ortega, tuloy ang implementas­yon ng modernization program at huwag na aniya itong pigilan pa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mistulang dinedma kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang panawagan ng 22 senador na pansamantalang suspensiyon ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil sa itutuloy nila ito.

Ayon kay DOTr Undersecretary Andy Ortega, tuloy ang implementas­yon ng modernization program at huwag na aniya itong pigilan pa.

Sinabi ni Ortega na ni­rerespeto niya ang hakbang ng Senado pero hindi nila puwedeng ihinto ang programa at ang mainam aniya ay pagtulungan na lamang ang isyu na ipinupunto ng mga stakeholders.

Binigyang diin ng opisyal na ang resolusyon na inihain ng mga Senador ay pupunta sa Malacañang sa opisina ni Pangulong Marcos Jr. at ang punong ehekutibo ang magdedesisyon ukol dito.

Base sa inihaing Senate Resolution 1096, ipinasususpinde pansamantala ng 22 mula sa kabuuang 23 Senador ang PUVMP o ang ngayo’y Public Transport Modernization Program (PTMP) dahilan sa samu’t saring isyu.

Kabilang dito ang mataas na bilang ng mga unconsolidated PUV units, phaseout ng tradisyunal jeepney, mababang porsiyento ng inaprubahang ruta at iba pa.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with