^

Bansa

NBI probe hiling ng Comelec chair sa alegasyong ‘suhol’ sa Korean firm

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mismong si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na ang humingi ng tulong mula sa National Bureau of Investigation (NBI) upang maimbestigahan ang mga alegasyong tumanggap umano siya ng suhol mula sa isang Korean firm.

“I am writing to formally request the assistance of your agency in investigating the recent allegations circulating online that implicate me in accepting bribe money from a Korean firm,” nakasaad sa liham ni Garcia kay NBI Director Jaime Santiago kamakalawa, Hulyo 8.

Aniya pa, “These unverified claims assert that I hold numerous bank accounts across various banks in Singapore, North America, China and the Caribbean.”

Kasabay nito, mariin na rin namang pinabulaanan ni Garcia ang mga naturang alegasyon.

“Diyos po ang aking saksi, wala po akong kahit anong foreign account o kahit anong bahay o property o lupa sa kahit anong foreign land,” aniya pa.

Panawagan pa niya, “Huwag naman po sana natin sirain ang kredibilidad ng eleksiyon.  Kawawa naman po ang sambayanang Pilipino. Pagkakataon naman po ng sambayanang Pilipino na makaranas ng isang maayos at pinagkakatiwalaan na halalan.”

Tiniyak rin naman ni Garcia na handa siyang makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng NBI.

Nauna rito, sa isang pulong balitaan ay sinabi ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta na aabot sa P1 bilyon ang halaga ng pondo na nai-transfer mula sa South Korean-based banks patungo sa 49 offshore accounts na sinasabing sangkot sa isang hindi pinangalanang opisyal ng Comelec.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with