^

Bansa

Pinas kinilala husay sa cruise tourism, wagi ng Best Port Call award

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng nagpapatuloy na pagsasaayos at moder­nisasyon ng mga port infrastructure sa buong bansa, napatunayan muli ng Pilipinas ang kakayahan nito bilang isa sa mga nangungunang cruise destination, nang masungkit ang parangal na “Best Port Call of 2024” sa 10th Asia Cruise Awards sa Jeju Island South Korea noong Hulyo 10, 2024.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Ports Authority (PPA), nagkaroon ng kakayahan na tumanggap ng mga cruise vessel ang ilang mga pantalan sa bansa gaya ng Currimao sa Ilocos Norte, Salomague sa Ilocos Sur, Manila, Bohol, at El Nido in Palawan. Patuloy na nagsasagawa ang PPA ng mga pagpapaganda sa mga pantalan kabilang na ang pagbuo ng mga port facility na nakatalaga para sa daungan ng mga cruise vessel.

Noong 2023, higit 87,000 cruise passengers ang naitalang bumisita sa Pilipinas. Inaasahan na mahihigitan ang numerong ito ngayong 2024 dahil posibleng umabot sa higit 103,000 ang mga cruise passengers, na sumasalamin sa papataas na bilang ng cruise ship visit sa bansa.

Ang pagpupursiging ito ay nakilala na sa mundo nang tanggapin ng Pilipinas ang prestihiyosong award na Best Cruise Destination in Asia 2023 mula sa World Cruise awards. Hindi lamang para sa international cruise liners ang pagpapagandang ito ng ahensya sa mga pantalan, kundi pati na rin sa pangkalahatang karanasan ng mga turista na dumaraan sa mga pantalan. Ang pagpapalawak at modernisasyon ng mga daungan ay mahalaga upang makilala ang Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng paglalakbay-dagat sa Southeast Asia.

vuukle comment

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with