^

Bansa

Sen. Go sa school principals: Kayo ang haligi ng mga paaralan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumalo si Senator Christopher “Bong” Go, miyembro ng Senate committee on basic education, sa 41st Principals Training and Development Program Cum National Board Conference (PTDP-NBC) noong Huwebes sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang event, may temang “Reskilling and Upskilling the School Heads on MATATAG Agenda,” ay dinaluhan ng humigit-kumulang 8,000 elementary school principals sa buong bansa. Tumanggap sila ng mga token of appreciation mula kay Sen. Go.

“Sa lahat ng mga principal na naririto, saludo po ako sa inyong walang sawang pagsusumikap at dedikasyon. Kayo po ang tunay na lider ng ating mga paaralan, at sa kabila ng mga hamon at pagsubok, patuloy ninyong inialay ang inyong buong puso upang masiguro na makapagbibigay ng de-kalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan. Kayo ang nagsisilbing haligi ng ating mga paaralan, at ang inyong pangunguna ay inspirasyon sa ating lahat,” ang pagbati ni Go sa mga dumalo.

Binigyang-diin ni Go ang mahalagang papel ng mga punong-guro sa educational ecosystem.

Aniya, napakalaki ng responsibilidad ng mga punong-guro sa paghubog ng kinabukasan ng edukasyon sa Pilipinas.

Kinilala ng senador ang kakaibang hamon na kinakaharap ng mga pinuno ng paaralan, lalo noong panahon ng pandemya ng COVID-19.

Kabilang sa mga hakbang ni Go para sa pagpapabuti ng edukasyon bilang co-author at co-sponsor ay ang Republic Act No. 11984, o ang “No Permit, No Exam Prohibition Act”. Tinitiyak ng batas na ito na maaaring makakuha ng exam ang mga mag-aaral anuman ang mga hadlang sa pananalapi.

Kasama rin siya sa may akda at nag-sponsor ng isinabatas kamakailan na RA 11997, o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na naglalayong dagdagan ang allowance sa pagtuturo ng mga guro sa pampublikong paaralan.

NBC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with