^

Bansa

AFP ‘di makikipag-usap sa counterpart sa China

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang balak si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na makipag-usap sa counterpart nito sa China dahil sa kawalan ng tiwala.

Sa pagdinig ng Se­nate Committee on Foreign Affairs tungkol sa nangya­ring insidente sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17, tinanong ni Sen. Imee Marcos, chairman ng komite kung nagkaroon na ba ng “military to military” na pag-uusap sa pagitan ng Philippine Coast Guard at China Coast Guard.

Sinabi ni Teodoro na walang ipinapakitang “level of good faith” ang China para kausapin ng militar.

Sinabi ni Teodoro na dapat ipakita ng China na maaari itong pagkatiwalaan bago magkaroon ng pag-uusap.

Nilinaw din ni Teodoro na ipinauubaya nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pakikipag-usap sa China.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, nakatakda silang makipagpulong sa kanilang counterpart sa Hulyo para talakayin ang insidente sa Ayungin Shoal.

Sinabi pa ni Manalo na labag sa napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ang naturang insidente.

Iginiit naman ni Teodoro na hindi gusto ng Pilipinas ang giyera pero tungkulin ng mga sundalo na ipagtanggol ang teritoryo ng bansa.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with