^

Bansa

Lookout Bulletin Order inilabas vs Guo, iba pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Justice (DOJ) na inisyuhan na nila ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at mga kasamahan nito.

Ayon kay Justice Undersecretary Margarita Gutierrez, nilagdaan na ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang ILBO laban kina Guo, dating Technology at Resource Center director general Dennis Cunanan at 12 iba.

Wala pa naman aniyang inilalabas na Precautionary Hold Departure Order (PHDO) laban sa kanila dahil iaaplay pa lamang ito sa hukuman.

Si Guo at 13 iba pa ay matatandaang una nang sinampahan ng PNP at Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) ng mga kasong human trafficking sa DOJ.

Una na rin silang ipinagharap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng kasong graft sa Office of the Ombudsman, na nag­resulta sa pagsuspinde sa kanya ng anim na buwan. 

Samantala, kinumpirma ng BI na natanggap na ni Commissioner Norman Tansingco ang ILBO noong Biyernes.

Sinisimulan na rin umanong ipatupad ng BI ang kautusan, na nag-aatas sa immigration offi­cers na i-double check kung ang mga taong subjects ng ILBO ay mayroong nakabinbing warrants of ­arrest, paglabag o infractions.

Kailangan din nilang i-monitor ang kinaroroonan ng mga ito sakaling lumabas sila ng bansa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with