^

Bansa

Mga baril na ninakaw, sinirang gamit bayaran!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mga baril na ninakaw, sinirang gamit bayaran!
“We are demanding that the Chinese return our rifles and our equipment, and we are also demanding for them to pay [for] the dama­ge that they have caused. They should pay because we will not allow them to just destroy and take our equipment,” ani Armed For­ces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gene­ral Romeo Brawner Jr.
AFP / STR

AFP sa Chinese Coast Guard

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Armed For­ces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gene­ral Romeo Brawner Jr., na pagbabayarin nila ang Chinese Coast Guard (CCG) sa ginawang pagnanakaw sa mga baril at pagsira sa kagamitan ng  mga sundalong Pilipino habang kinukuyog.

Bagama’t hindi idinetal­ye ni Brawner ang sistema ng pagbabayad ng CCG, sinabi nito mananagot ang CCG sa karahasang ginawa nito sa mga rubber boat ng mga sundalo.

“We are demanding that the Chinese return our rifles and our equipment, and we are also demanding for them to pay [for] the dama­ge that they have caused. They should pay because we will not allow them to just destroy and take our equipment,” ani Brawner.

Aniya, hindi sila papayag na balewalain ng CCG ang kanilang ginawang dahas at pang haharas sa mga sundalo nitong Miyerkules.

Nabatid na pitong ba­ril na Carbine AR19 ang ninakaw ng CCG at sinira rin ang mga equipment at makina ng rubber boat at pagbutas sa mga ito.

Tinawag na rin ni Brawner na pirata ang mga CCG dahil sa insidente.

Wala pang katiyakan kung pananagutan ng China ang ginawa ng kanilang CCG  lalo pa’t una nang sinabi ng Beijing na naunang nambangga ang Philippine Navy at gumanti lamang sila.

CCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with