^

Bansa

PNP: 5-year promotion ban sa mga pulis na sangkot sa katiwalian

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP: 5-year promotion ban sa mga pulis na sangkot sa katiwalian
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, posibleng makatulong ang ban upang maiwasan ng mga pulis na gumawa ng anumang iligal.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng 5-year promotion ban sa mga pulis na masasangkot sa anumang katiwalian.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, posibleng makatulong ang ban upang maiwasan ng mga pulis na gumawa ng anumang iligal.

Sa ilalim kasi ng Republic Act 9708, hindi maaaring ma-promote ang isang pulis kung may kinahaharap itong kaso at dinidinig ito sa loob ng dalawang taon.

Pero sakaling maaprubahan ang bagong panuntunan, madaragdagan ng tatlong taon ang paghihirap ng mga tiwa­ling pulis bago makakuha ng promosyon dahil kailangan muna nilang malusutan ang kanilang kasong kinahaharap.

Subalit kung ang pulis ay ma-promote ngunit hinatulan ng korte dahil sa kaniyang nagawa, maaari itong bawiin at madarag­dagan pa ng mga kaukulang kaparusahan.

Nitong nakalipas na linggo, ilang pulis ang nalagay sa kontrobersiya at nasangkot sa iba’t ibang kaso.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with