^

Bansa

Retirement, investor’s visa at late birth registration ng mga Chinese pinasisilip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maghahain ngayong Martes si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ng resolusyon para paimbestigahan sa Kongreso ang pag-isyu ng Special Resident Retiree’s Visas (SRRV), Special Investor’s Resident Visa (SIRV), at ang late re­gistration of birth na siya umanong posibleng ginagamit sa pagdagsa ng mga Chinese nationals sa Pilipinas.

“Nakababahala ang patuloy na pagdagsa ng mga Chinese nationals sa ating bansa at ang mas nakababahala ay kung paano sila nakapasok sa atin? Ano ang mga pinanghahawakan nilang dokumento bakit sila nakapagtrabaho ng legal sa ating bansa,” ani Tulfo.

Ayon kay Tulfo, base sa mga ulat ng Philippine Retirement Authority (PRA), sa mahigit 79,000 dayuhang retirees sa Pilipinas, higit sa 30,000 Chinese “retirees” ang pinayagan na permanenteng manirahan sa bansa.

Nakababahala rin umano na ang PRA ay tumatanggap ng retirees na hindi bababa sa 35 taong gulang mula noong 1991. Ang edad na kinakailangan ay itinaas lamang sa 50 taong gulang noong Abril 2021.

“Isipin ninyo, 35 taong gulang na mga Chinese nationals ang binigyan natin ng SRRV? Ganyan ang edad ng kalakasan ng tao, bakit retirement visa ang gamit nila? E pwede nga silang sundalo sa edad na 35 taong gulang,” paliwanag ni Tulfo.

Ibinunyag din na ilang mga krimen ang may kaugnayan sa pagdami ng mga Chinese nationals kabilang ang human trafficking, panloloko, kidnapping, ilegal na detensyon, prostitusyon, at iba pa.

Binanggit din ni Tulfo na ang mga raid kamakailan sa mga establisyemento ng POGO ay nagresulta rin sa pagkatuklas ng mga opisina, dormitoryo, villa, at iba pang mga pasilidad na nagpapahiwatig ng matagal na presensya at aktwal na pamumuhay sa loob ng mga dapat sana’y establisyemento ng negosyo.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with