^

Bansa

21 Pinoy seaman na inatake ng Houthi, balik Pinas ngayon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
21 Pinoy seaman na inatake ng Houthi, balik Pinas ngayon
This handout picture courtesy of the US Navy taken on October 19, 2023 shows the Arleigh Burke-class guided-missile destroyer USS Carney (DDG 64) defeating a combination of Houthi missiles and unmanned aerial vehicles in the Red Sea.
Photo by Aaron Lau / US Navy / AFP

MANILA, Philippines — Inaasahang darating na ngayong hapon (Lunes) sa Maynila ang  21 Filipino seafarer na nasagip mula sa Houthi-hit MV Tutor sa Red Sea ilang araw matapos silang mailigtas noong Biyernes ng gabi sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang 21 Filipino seafarers ay mainit na tinanggap ni Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis noong Sabado at inaasahang sasakay ng flight pauwi ng Linggo ng gabi.

Makakasama ng mga marino si DMW Labor Attaché Hector Cruz.

Nasa 22 Filipino seafarers ang sakay ng MV Tutor nang salakayin ito ng Houthi rebel group habang naglalayag sa Red Sea noong Miyerkules.

Iniutos ni Pangulong Marcos noong Biyernes sa lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno na ilikas sa ligtas na lugar ang mga Pilipinong marino na nagresulta sa matagumpay na pagliligtas sa 21 marino habang ang isa ay nananatiling nawawala sakay ng barko.

Dumating sila bandang 5:30 ng hapon nitong  Sabado sa Port of Manama, Bahrain.

Lahat ng 21 marino ay ligtas at maayos, ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac habang isinasagawa ang paghahanap sa nawawalang seafarer.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with