^

Bansa

Legal age ng vaping hirit itaas sa 25

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Legal age ng vaping hirit itaas sa 25
Sa health literacy media conference sa Subic, Olo­ngapo City, sinabi ng pulmonologist na si Dr. Maricar Limpin, dating pangulo ng Philippine College of Chest Physicians, na kailangan nang maamyendahan ang naturang batas na kilala rin sa tawag na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.
Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Nais ng isang eksperto na maamyendahan ang Vape Law at maitaas ang legal vaping age sa 25 mula sa kasalukuyang 18.

Sa health literacy media conference sa Subic, Olo­ngapo City, sinabi ng pulmonologist na si Dr. Maricar Limpin, dating pangulo ng Philippine College of Chest Physicians, na kailangan nang maamyendahan ang naturang batas na kilala rin sa tawag na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Ipinaliwanag ni Limpin na sa kasalukuyan, kahit ang mga batang edad 13 at 15 ay gumagamit na ng vape habang ang mga nagkakasakit naman dahil sa vape ay nasa edad 21 hanggang 23-anyos lamang.

“Ibig sabihin, iyong batas na allowing purchase [ng vape]... dating 21 na binaba pa sa 18. So sigu­ro itaas na lang uli natin. Gawin na lang nating, ­ideally dapat 25,” aniya pa.

Paliwanag ni Limpin, ang pag-mature ng control center ng utak ay nagaganap sa edad na 25 at sa edad aniya na ito ay maaari nang mag-isip ang isang indibidwal kung makasasama sa kanya ang isang gawain.

Sa ganitong edad aniya ay mas kaya na ring kontrolin ng isang tao ang kanyang sarili at hindi na basta nagpapadala lamang sa kanyang mga nakikita sa iba.

Sakaling hindi kaya ang edad na 25 ay maaa­ring gawin na lamang itong 21-anyos.

Hindi lamang naman aniya sa vaping ito maaaring iaplay, kundi sa pag-inom rin ng mga nakalalasing na inumin.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with