^

Bansa

Salceda: Pangkalusugang pangangailangan ng seniors, tinutugunan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ngayon ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda kung paano matutugunan ng sapat sa ilalim ng PhilHealth ang pangkalusugang mga pangangailangan ng senior citizens lalo na ang mahal at nakakapilay na gastos sa mga gamot upang higit na maging magaan ang kanilang buhay.

Naging matagumpay si Salceda sa mga batas na inakda niya sa Kamara na naglalayong lalong palawakin ang mga benepisyo para sa matatanda at mga ‘persons with disabilities (PWD).

Ayon sa kanya, nahihirapan sila dulot ng patuloy na tumataas na pangkalusugang gastusin at kakulangan sa pananalapi dahil retirado na nga sila.

Ayon kay Salceda, mga P1.6 milyon o 18 porsiyento ng kailangang P9.1 trilyon ang kulang sa suporta para sa pangangailangan ng matatanda, kaya sinisikap nilang matugunan ito para madagdagan ang buwanang P3,000 mayroon ang karaniwan sa kanila, kaya nananatili ang mga 47% ng senior citizens sa matinding kahirapan. “Ito ang dahilan kung bakit nagtutulungan kami nina SC Party-list Rep. Rodolfo M.]. Ordanes, at National Unity Party-list Rep. Alfel Bascug na kumakatawan sa mga PWDs. Matagal-tagal ko na ring pinagtutuunan ng pansin ang mga isyu kaugnay sa pangangailangan ng mga SCs, ngunit maraming ‘chronic conditions’ ang sangkot doon na inaatupag ng PhilHealth kaya nangangailangan ito ng suporta,” paliwanag ng mambabatas. “Pinag-aaralan ko ngayon ang hiwalay na pondong ‘insurance’ sa ilalim ng PhilHealth para matugunan ito,” wika ni Salceda. Sa kasalukuyan, milyon-milyong mga Pilipino, kasama ang mahihirap na matatanda at mga PWD ang ibayong nakikinabang na ng mga benepisyong pangkalusugan at iba pa, na ipinaloob ni Salceda sa dalawang batas na inakda niya sa Kamara -- ang ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises’ (CREATE) at ‘Tax Reform for Acceleration and Inclusion’ (TRAIN). Nakapaloob dito ang Value-added Tax exemption’ sa mahigit 2,000 ‘VAT-exempt drugs’ na ang kasama sa listahan ng FDA kabilang ang gamot sa cancer, hypertension, diabetes, kidney disease, high cholesterol, tuberculosis, mental health issues at iba pa.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with