^

Bansa

Wang-wang, blinkers bawal sa government officials, employees

Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Wang-wang, blinkers bawal sa government officials, employees
Stock image of siren
. Pixabay

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na gumamit ng wang-wang, blinkers at iba pa katulad na signaling o flashing devices.

Sa Administrative Order No.18 na nilagdaan ni ­Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi ni ­Pangulong Marcos na ang hindi awtorisado at pagkalat ng mga wang-wang at iba pang devices ay nagdudulot ng pagkaantala ng trapiko at hindi ligtas na mga kalsada at kapaligiran.

“All government officials and personnel are hereby prohibited from utilizing sirens, blinkers and other similar gadgets that produce exceptionally loud or startling sound, including dome lights, blinkers, or other similar signaling or flashing devices,” nakasaad sa AO.

Hindi naman sakop ng direktiba ang Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), fire trucks, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.

“In this light, all government officials and personnel are hereby reminded that use of sirens, dome lights, blinkers and other similar devices shall only be under exigent or emergency circumstances or situations or to ensure the expedient and safe passage of emergency responders,” saad ng AO.

Kasunod nito, magsasagawa ng crackdown ang PNP laban sa mga motorista na patuloy na gumagamit ng blinkers at sirena o ‘wang-wang’.

Ayon kay PNP information chief at spokesperson Col. Jean Fajardo sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 96, ilegal ang paggamit ng wang- wang at blinkers ng mga private vehicles.

Ani Fajardo, ang mga blinker ay para lamang sa mga pulis, bumbero at  sundalo gayundin  sa mga emergency cases.

Sa ilalim ng PD 96 walang penalty sa mga first offense subalit kukumpiskahin ang mga blinkers habang may criminal liability na sa ikalawang offense at pagkakakulong ng hanggang anim na buwan.

Hindi rin ligtas ang mga nagbebenta ng wang-wang at blinkers.

Sa datos ng PNP, umaabot sa 2,546 blinkers at wangwang ang nakumpiska mula Enero hanggang Marso 2024.

BLINKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with