^

Bansa

Bong Go sa Araw ng Kagitingan: HCWs mga modernong bayani

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang pagpupugay sa hindi natitinag na diwa at sakripisyo ng healthcare workers (HCWs) noong panahon ng pandemya ng COVID-19, patuloy na isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang agarang pagpapalabas ng Health Emergency Allowance (HEA) ng mga ito.

Katulad ng kagitingan ng mga bayaning Pilipino na ginugunita sa Araw ng Kagitingan, binigyang-diin ni Go ang kabayanihan ng HCWs sa modernong-panahon, lalo ang kanilang naging mahalagang papel sa paglaban ng bansa sa pandemya.

“Sila po ang mga bayani sa panahon ng pandemya. Hindi natin mararating ito na bumalik tayo sa normal kung hindi dahil sa kanilang sakripisyo,” ani Go ukol sa magigiting na HCWs na ang ilan ay nagbuwis pa ng buhay.

Sa isang pampublikong pagdinig ng Senate committee on health na kanyang pinamumunuan, tinalakay ang ukol sa HEA na naging batas sa layong matugunan ang pangangailangan ng healthcare workers noong kasagsagan ng COVID- 19 pandemic.

“Mula noon hanggang ngayon, hindi ako tumitigil sa pag-apela sa gobyerno na ibigay na ang pending HEA sa mga kuwalipikadong HCWs,” ani Go.

Kahit tapos na ang State of Public Health Emergency sa bansa, patuloy siyang umaapela sa executive branch na i-release ang nakabinbing HEA para sa mga kwalipikadong HCWs.

vuukle comment

HEALTHCARE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with