^

Bansa

Pharma-sponsored trips ng mga doktor inungkat ni Tulfo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pharma-sponsored trips ng mga doktor inungkat ni Tulfo
Senator Raffy Tulfo
Senate of the Philippines

MANILA, Philippines — Inungkat ni Sen. Raffy Tulfo ang mga biyahe sa ibang bansa ng mga doktor na inisponsoran ng mga pharmaceutical companies.

Sa pagdinig sa Senado, nagkasagutan sina Tulfo at Health Secretary Teodoro Herbosa kaugnay sa mga “biyahe” ng mga doktor kapalit ang pagreresita ng mga gamot ng mga pharmaceutical companies sa halip na isulong ang mga generic na gamot na mas mura ang halaga.

Ayon naman kay Herbosa, may mga doktor na mas pinipili ang mga branded medicines dahil mas epektibo ito kaysa sa mga generic medicine.

Sinabi rin ni Herbosa na dumaraan sa public bidding ang mga binibiling gamot at suplay sa mga ospital na karamihan at mga generic medicines ang nananalo sa bidding.

Ayon pa kay Herbosa, kalimitan ay pinapalitan ng mga branded medicine ang mga generic medicines dahil sa “efficacy” nito.

Pero ayon kay Tulfo, “half-truth” ang sinasabi ni Herbosa dahil mas inirereseta ng mga doktor ang mga branded medicine dahil sa “junket”

Hindi aniya mag i-sponsor ng mga biyahe ang mga pharmaceutical companies kung walang kapalit na pabor.

Ibinigay na halimbawa ni Tulfo ang isang hotel sa Las Vegas na napupuno ng mga doktor mula sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with