Senator Tulfo, top contender sa 2028 pres’l race - Pulse Asia
MANILA, Philippines — Nanguna si Senator Raffy Tulfo sa mga top contenders para sa 2028 presidential race sa nationwide survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong Marso 6-10, 2024
Base sa naturang survey, nakakuha si Tulfo ng 35% boto habang dikit na pumapangalawa sa kanya si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na may 34%.
Ayon sa Pulse Asia, halos kalahati ng mga Visayas voters o 46% ang nagsabi na iboboto nila si Tulfo kung ang halalan ay gagawin sa petsa kung kailan idaraos ang survey.
Nakakuha rin si Tulfo ng mataas na puntos na 41% sa National Capital Region (NCR) habang pabor din sa kanya ang Balance Luzon, na nasa 37%.
Mababa naman ang nakuhang puntos ni Tulfo sa Mindanao, na nasa 18% lamang.
Samantala, si Duterte naman ang napupusuang presidentiable ng mga taga-Mindanao, sa puntos na 72%.
Gayunman, mababa ang nakuhang suporta ni Duterte sa Visayas, 20% gayundin sa NCR, 26% at sa Balance Luzon, 23%.
Pumangatlo sa survey si dating vice president Leni Robredo na may 11%, at nakakuha lamang ng 2% na boto mula sa Mindanao.
Kapuna-puna naman na nasa 7% ng mga respondents ang tumangging ibunyag kung sino ang presidentiable na napupusuan nila para sa 2028 presidential race.
- Latest