^

Bansa

‘Bitbit,’ bagong modus ng human trafficking - BI

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Bitbit,� bagong modus ng human trafficking - BI
Ayon kay Norman Tansingco, isang babaeng biktima ng naturang bagong trafficking scheme ang nasagip nila noong Marso 22 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 habang nagtatangkang lumabas ng bansa patungo sa Kota Kinabalu, kasama ang kanyang umano’y ‘partner.’
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang publiko hinggil sa nadiskubre nilang panibagong human traffic­king scheme na nanghihikayat ng mga kababaihan upang magtrabaho bilang sex worker sa ibang bansa.

Ayon kay Tansingco, isang babaeng biktima ng naturang bagong trafficking scheme ang nasagip nila noong Marso 22 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 habang nagtatangkang lumabas ng bansa patungo sa Kota Kinabalu, kasama ang kanyang umano’y ‘partner.’

Nagpakilala umano ang male trafficker at kanyang biktima bilang live-in partners na bibiyahe sa abroad upang magbakasyon.

Gayunman, nang i-check ng immigration officers ang rekord ng lalaki ay nadiskubreng kabibiyahe lang nito sa Malaysia kama­kailan at may kasama rin itong ibang babae na ipinakilala rin niya bilang live-in partner.

Ang naturang babae ay hindi pa umano bumabalik sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.

Nabatid na ang biktima ay kaagad na itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa assistance, habang ang trafficker ay posibleng maharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

Nanawagan rin si Tansingco sa mga kababaihan na huwag pumayag sa mga ganitong kondisyon upang makapagtrabaho lamang sa ibang bansa upang makaiwas sa kapahamakan.

Tinukoy pa niya ang isang kaso noong 2023 kung saan ang biktima ay ilegal na isinakay sa isang sailboat sa Palawan upang ibiyahe sa Malaysia.

Ang biktima ay ibiniyahe umano sa mabubundok na lugar upang marating ang isang hotel sa Sibu, Malaysia kung saan sila ibinabahay bilang sex workers.

Doon ay binihag umano ang babae at hindi pinapakain hanggang hindi ginagawa ang iniuutos sa kanya ng kanyang mga captors.

Pinuwersa rin umano siya ng mga ito na sumailalim sa aborsiyon matapos na madiskubreng siya ay nagdadalang-tao.

vuukle comment

BI

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with