^

Bansa

Pangulong Marcos balik-trabaho na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik trabaho na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang ilang araw na pahinga dahil sa trangkaso.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ngayong araw Marso 26 ay  magsasagawa ng sectoral meeting ang Pangulo sa Malakanyang kasama ang ibang gabinete para pag-usapan ang national security dahil sa nagaganap na tensyon sa West Philippine Sea (WPS) dulot na rin ng pangha-harass ng China.

Pupulungin din ng Pangulo ang ilang opisyal para talakayin kung paano maiibsan ang epekto ng El Niño sa bansa.

Haharapin naman ni Marcos bandang alas-2 ng hapon ang United States Congressional delegates na magsasagawa ng courtesy call sa Palasyo.

Kabilang sa mga makakausap ni Pangulong Marcos sina Senators Kirsten Gillibrand, Jeanne Shaheen, Roger Marshall, Mark Kell, Cynthia Lummis,  Michael Bennet at Rep. Adriano Espaillat.

Bandang alas-3 ng hapon, magsasagawa ng courtesy call kay Pangulong Marcos si Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar.

Magugunita na tinamaan ng trangkaso sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos matapos ang sunud-sunod na pakikipagpulong sa ibang bansa at sa Pilipinas.

vuukle comment

PCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with