^

Bansa

Tolentino: DFA dapat magtatag alyansa sa maritime countries

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinihimok ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magtatag ng mga research and development alliances sa maritime countries para pakilusin ang internasyonal na suporta matapos ang panibagong water cannon attack noong Sabado sa Philippine resupply mission sa West Philippine Sea (WPS).

“To those countries with which the Philippines have no alliance through treaties or our allies in defense, pacts, or treaties, we can have joint exercises for peaceful marine science research and development,” ipinayo ni Tolentino.

Binanggit ni Tolentino ang Norway, na may malawak na karanasan sa agham at pananaliksik sa yamang dagat ngunit hindi kaalyado sa isang defense treaty, bilang halimbawa ng isang bansa na maaaring isama ng Pilipinas sa mga kasunduan sa pananaliksik at pagpapaunlad.

Idinagdag niya na ang Netherlands ay maaari ring isama sa mga kasunduan para sa research and development, gayundin ang iba pang bansa sa Europa at Latin America na malayo sa Pilipinas.

Idiniin ni Tolentino ang ganitong uri ng kooperasyon bilang modelo sa Antarctica, na itinuturing na karaniwang pamana sa sangkatauhan.

Sang-ayon si Tolentino sa pagpapatuloy ng joint patrols at joint exercises ng mga bansa na may tratado sa pagtatanggol ang Pilipinas.

Gayunman, sinabi ni Tolentino na wala siyang nakikitang katapusan sa paglabag ng China sa mga karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention of the Law of the Seas (UNCLOS) at ng 2016 Arbitral Ruling.

Nagbabala rin siya tungkol sa mga posibleng negatibong kahihinatnan ng mga aksyon ng Pilipinas sa WPS na dapat maging bahagi ng pambansang kamalayan.

Sinabi ni Tolentino na inirekomenda na niya ang pagpapauwi sa Philippine envoy sa Beijing bilang tugon sa mga aksyon ng China laban sa Pilipinas sa WPS na alam ng Malacañang ngunit hindi inaaksyonan.

Samantala, sinabi ni Tolentino na dapat ipagpatuloy ng Pilipinas ang pagdadala ng mga suplay sa mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal sa pamamagitan ng himpapawid o dagat.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with