^

Bansa

Bato nag-sorry kay Tulfo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humingi ng “sorry” si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kay Sen. Raffy Tulfo na nag-walkout sa pagdinig kamakalawa ng Senate Committee on Public Order.

“Right after the hearing pinuntahan ko siya sa lounge, ako nag-approach mismo. At ako ang humingi ng paumanhin. Nagsorry ako na..’sorry kung hindi mo nagustuhan ‘yung pagpapatakbo ko sa committee hearing natin,” ani Dela Rosa.

Sa tingin ni Dela Rosa ay hindi nagustuhan ni Tulfo ang takbo ng pagdinig tungkol sa hindi magkakatugmang pahayag ng mga ipinatawag na pulis.

Iniimbestigahan ng komite ni Dela Rosa ang kaso ni Rodelio Vicente at anak nitong si Julius na diumano’y inaresto ng mga pulis sa Bulacan noong nakaraang taon kahit pa wala silang warrant of arrest.

Sa pagdinig, pinanindigan ng mga pulis na may dala silang warrant of arrest nang pumasok sila sa property ni Rodelio Vicente. Hindi naging katanggap-tanggap kay Tulfo ang pahayag ng mga pulis dahil kontra ito sa pahayag ni Bulacan PNP Provincial Director PCol. Relly Arnedo na wala silang warrant of arrest at isang “covert intel operation” lamang ang ginagawa nila.

Matapos mag-walkout ni Tulfo, itinuloy nina Dela Rosa at Sen. Robin Padilla ang pagdinig at mistulang binanatan ang pagwalk-out ni Tulfo sa pagdinig.

Sinabi rin ni Dela Rosa na “prerogative” ni Tulfo kung nais nitong umalis sa pagdinig na nagpaalam muna na siya ay magwo-walkout.

Pinabulaanan din ni Dela Rosa na bini-baby niya ang mga pulis at makikita aniya sa record na siya ang pinakamaraming naipakulong na pulis sa Senado.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with