^

Bansa

Pamilya ng mga sundalo na namatay, nasugatan sa Lanao binigyan ng financial package

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pamilya ng mga sundalo na namatay, nasugatan sa Lanao binigyan ng financial package
Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng tulong pinansyal si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya ng anim na sundalong nasawi at sa anim na tropang nasugatan sa pakikipagsagupaan sa teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute sa Lanao del Norte noong Pebrero 18.

Ayon kay Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, mahigit P4.14 milyong financial, education at livelihood assistance, mula sa personal calamity at emergency funds ng Speaker, ang naibigay sa mga pamilya ng 12 sundalo mula noong nakaraang linggo ng Pebrero hanggang ngayon.

Bukod dito, sinabi ni Tulfo na ang DSWD, DOLE at CHED ay magbibigay din ng livelihood at educational assistance sa mga biktima at kanilang mga dependents.

Nauna rito, ibinunyag ni Speaker Romualdez na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilya nina Corporal Rey Anthony Salvador, Corporal Reland Tapinit, Corporal Rodel Mobida, PFC Arnel Tornito, Pvt Micharl John Lumingkit, at Pvt James Porras na pawang namatay sa naturang sagupaan.

Ipinagkaloob sa pamilya ng mga nasawing ‘bayani’ ang aid package na P400,000 hanggang P430,000: P300,000 cash aid, P30,000 schooling aid para sa bawat bata at P100,000 livelihood assistance.

Para sa mga nasugatang sina Corporal Jaymark Remotigue, PFC Marvien Aguipo, Pvt Amiril Sakinal, Corporal Rey Mark Limare, Corporal Ernil G Quiñones at Pvt Nazareno Provido ay nagbigay ng P150,000 cash aid, P30,000 schooling aid para sa bawat bata, at P100,000 livelihood assistance.

MARTIN G. ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with