^

Bansa

Bakuna sa ASF mabibili na bago matapos taon – DA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bakuna sa ASF mabibili na bago matapos taon � DA
Ang ASF na nameste sa hog industry o mga babuyan ay naging problema sa bansa simula pa noong 2019.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Positibo si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel na available o mabibili na sa bansa ang bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) bago magtapos ang taong ito.

Ang ASF na nameste sa hog industry o mga babuyan ay naging problema sa bansa simula pa noong 2019.

Sinabi ni Laurel na ang Vietnamese at American company ay humihingi o naga-apply na sa Food and Drug Administration (FDA) ng accreditation para sa ASF vaccines.

Samantala isa pang Vietnamese firm at Thai firm ang plano ring mag-apply para maaprubahan ang kanilang mga ASF vaccine ng FDA at maibenta ito sa Pilipinas.

Ang delubyong idinulot ng ASF sa bansa ay nakapagpababa sa produksiyon ng lokal na karne ng baboy kung saan sa inventory sa pagtatapos ng taon mula sa dating 12.8 milyong hogs noong 2020 ay bumaba ito sa 9.94 milyong baboy noong 2021.

Samantala sa pagtatapos ng Setyembre noong 2023 ang kabuuang inventory ay bumaba sa 9.86 milyon kada ulo ng baboy mula sa dating 10.1 milyon sa kaparehong period noong 2022.

Binigyang diin ng Kalihim na kung may bakuna laban sa ASF ay inaasahang mapapataas ang produksiyon ng baboy at hindi rin malulugi ang kabuhayan ng mga magbababoy.

vuukle comment

ASF

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with