^

Bansa

Pangulong Marcos pirmado na Expanded Centenarian, Tatak Pinoy Laws

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang batas na magbibigay ng benepisyo sa mga senior citizens at sa mga produktong lokal ng bansa.

Ginanap ang ceremonial signing ng pag-amyenda sa Centenarian Act  o Republic Act No. 192 at Tatak Pinoy Act o Republic Act No. 11981 sa Ceremonial Hall ng Malacañang Palace kung saan dumalo dito sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ng Pangulo na layon ng RA 192 o”Granting Benefits to the Filipino Octogenarians at ­Nonagenarians na iparamdam ang suporta ng pamahalaan sa mga nakakatanda at iangat ang kanilang dignidad at kalidad ng pamumuhay.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tulong pinansyal at iba pang mga benepisyo at ma-enjoy ito habang nabubuhay pa sila sa mga edad na 80, 85, 90 at 95.

Sa ilalim ng batas, mabibigyan ng tig P10,000 ang mga nakakatanda kapag sumapit sa naturang edad habang makakatanggap din sila ng centenarian gifts kapag umabot sila ng 100 taong gulang na nagkakahalaga ang P100,000.

Kinikilala rin ng batas ang pagkakaroon ng malusog, aktibo at mahabang buhay ng mga nakakatanda.

Samantala, batas na rin ang Tatak Pinoy Act o RA 11981.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang Tatak Pinoy Act ay tungkol sa pamumuhan sa galing at talento ng mga Filipino na deserved na mabigyan ng trademark na “Made in the Philippines”.

Sinabi pa ng Presidente na hindi lang ito simpleng maglalagay ng tatak kundi pagpapakita sa mataas na kalidad dahil ito ay tatak Pinoy.

Hindi naman natuloy ang pagpirma ng Pangulo sa panukalang “Filipino Magna Carta for Seafarer Act” dahil patuloy pa itong nire-review ng punong ehekutibo.

PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with