^

Bansa

SM Prime at UPLB, naglunsad ng scholarship program

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SM Prime at UPLB, naglunsad ng scholarship program
Nasa larawan ang SM sustainability scholars ka sama sina UP Los Baños’ Office of Scholarships and Grants Director Assoc. Prof. Ariel L. Babierra, Ph.D., College of Forestry and Natural Resources’s Prof. Marilyn Combalicer, College of Human Eco logy Dean Dr. Jennifer Amparo, Vice Chancellor for Student Affairs Dr, Janette MalataSilva, Scho larship Affairs Officer Ivy Salarde, SM Prime AVP Rida ReyesCastillo at SM team.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naglunsad ng isang scholarship program ang leading integrated pro­perty­ developer na SM Prime Holdings, Inc. (SM Prime), katuwang ang University­ of the Philippines Los Ba­ños­ (UPLB), upang pala­kasin pa ang kanilang com­mitment sa educational access at sustainability ste­wardship.

Nagsilbing inspirasyon ng SM Prime sa paglulunsad ng ‘SM Sustainability Scholarship,’ ang paniniwala ng yumaong si Henry Sy Sr. sa kapangyarihan ng edukasyon. Nagpapakita rin ito sa commitment ng SM Prime sa educational access at sustaina­bility stewardship.

Sa ilalim ng programa­, 10 karapat-dapat na es­tud­­yante ng UPLB ang tu­­tulu­ngan sa kanilang under­gra­duate studies at pag­­­kakalooban ng pagka­kataon upang ma­­ipagpatuloy ang kani­lang degrees sa Bachelor of Science in Human Eco­logy o di kaya ay sa Bachelor of Science in Forestry.

Ang mga scholarship recipients, na pormal nang kinilala sa isang meet-and-greet gathering sa UPLB, ay metikulosong pinili dahil sa kanilang academic excellence at dedikasyon sa sustainability, ay tatanggap ng full scholarship kasama ang tuition fees, monthly living allowance, at maging book allowance, upang ma­sigurong nakapokus sila sa kanilang pag-aaral nang walang problemang pang-pinansiyal.

Sa naturang pagtitipon, pinasalamatan naman nina College of Human Ecology (CHE) Dean Dr. Jennifer Amparo at College of Fo­restry and Natural Resources Dean, Dr. Marlo Mendoza ang SM Prime sa pagbibigay ng scholarship sa mga naturang estudyante.

“SM Group’s founder, Mr. Henry “Tatang” Sy, Sr. believed that education is a great equalizer, and he envisioned that sending­ one child to college would create ripples of social good not just for families but for an entire commu­nity. The improvement of the well-being of the youth and the partner communities is something that we at SM invest in,” pahayag ni SM Prime AVP and Head of Marketing, PR and Corporate Communications, Rida Reyes-Castillo.

UPLB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with