^

Bansa

Hangad ng EDSA People Power ‘di nakamit - Querubin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Hangad ng EDSA People Power ‘di nakamit - Querubin
The EDSA People Power Monument is photographed on Saturday, a day before the 38th anniversary of the EDSA People Power Revolution on February 25, 2024.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naniniwala si Ret. Marine Colonel Ariel Querubin na bigo ang EDSA People Power na kamtin ang inaasam na pagbabago sa bansa.

Sa The Agenda Forum sa Club Filipino, ipinunto ng dating marine officials na ang naturang kabiguan ay dahil hindi nagkaisa ang mga mamamayan at maging ang mga lider ng pamahalaan.

Pinaliwanag ni Querubin na lubhang abala ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga usapin ng pag-aaway, masyadong divisive aniya at ang mga nagdaang lider ay kani-kaniyang benggahan o gantihan, at naisasantabi na ang kapakanan at mahahalagang usapin na dapat hinaharap ng bansa gaya ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Querubin na kung nagkaisa sana ang lahat ng Filipino ay marami nang proyekto ang naisakatuparan at pag-unlad kung saan inaasahan din ang paglahok ng publiko sa paggunita ng bansa sa nalalapit na EDSA People Power revolt sa Pebrero 25.

Ayon pa kay Col. Querubin, lahat ng naging lider ng Pilipinas ay nagkani-kaniyang gantihan, at hindi aniya exempted ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Umaasa si Querubin na may pagkakataon at kakayanan si Pangulong Marcos na magpatupad ng reporma sa bansa bigyan lamang ng pagkakataon ng sambayanang Filipino.

Si Querubin ay isa sa mga naglantad ng korapsyon­ sa AFP noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, dahilan upang siya ay mabilanggo, ngunit napalaya noong panahon ng yumaong Pangulong Benigno Aquino III.

EDSA

EDSA PEOPLE POWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with