TNT, may ‘Sulit Saya’ offers para sa mga ‘budgetropa’
MANILA, Philippines — Patuloy ang sayang hatid ng value mobile brand na TNT sa pamamagitan ng ‘Sulit Saya’ offers, ang latest value-packed data promos na swak sa budget ng buong tropa.
Gamit ang ‘Sulit Saya’ offers, mas madali at mas abot-kaya na para sa TNT subscribers na kumonek online para tuluy-tuloy ang saya sa pag-share ng updates sa social media, pag-send ng messages, pag-browse sa websites at marami pang iba.
Ito ang ilan sa mga maasahang ‘Sulit Saya’ offers ng 'budgetropa':
1. 'Utang na Load' para sa panahon ng kagipitan
Madalas ka bang maubusan ng load sa gitna ng iyong online session? Maasahan mo ang ‘Utang Na Load,’ para makahiram sa TNT ng P5 para sa 100 MB Facebook access o P10 para sa 200 MB open-access data, na valid for one day.
Sa tulong ng Utang na Load, maiiwasan mo ang hassle at maipagpapatuloy mo na ang iyong Facebook o online session kahit saan. Ibabawas na lang ang iyong hiniram na offer sa susunod mong pag-load.
2. SurfSaya 30 para sa sulit na value data, call and text combo
Hanap mo ba ang sulit na data, call at text combo para lagi kang connected sa iyong tropa, nangunguna sa online trends, at di nahuhuli sa showbiz chika? Surf Saya 30 ang para sa iyo!
Meron itong total na 1.2 GB data at unli calls and texts to all na valid for three days. Kasama sa 1.2 GB ang 450 MB para sa lahat ng websites at 750 MB (250 MB every day) para sa apps tulad ng Facebook, Messenger, Mobile Legends: Bang Bang, Instagram at TikTok.
3. GIGA offers para sa sulit na panonood ng online videos
Kung panonood ng online videos, series o movies ang nagbibigay ng saya sa iyo araw-araw, makakaasa ka sa TNT GIGA Video 60! Ito ay may total 5 GB data—kasama nito ang 2 GB para sa lahat ng sites at apps, at 1 GB every day para sa YouTube, Netflix, Smart Livestream at iWantTFC; at unli texts to all, valid for three days.
4. UNLI 5G 99 para sa sulit all-day online access
Para naman sa sulit na online access buong araw, pwedeng mag-register sa UNLI 5G 99 na may unlimited 5G at 4G data valid for one day. Pasok dito ang lahat ng iyong favorite online activities, mula sa pag-update sa iyong tropa sa social media, pag-upload at download ng work o school files, panonood ng online videos, pag-rank-up sa iyong paboritong mobile game at marami pang iba.
Lahat ng TNT ‘Sulit Saya’ offers ay available sa Smart App, na downloadable sa Apple App Store, Google Play Store, at Huawei Mobile Services.
“Sasaya na yan!” sa TNT
“Ang ‘Sulit Saya’ offers ay alinsunod sa misyon ng TNT na maghatid ng saya sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng pinakasulit na mobile services at world-class network,” saad ni Alex Caeg, head of consumer wireless business ng Smart.
“Ang ‘budgetropa’ ng TNT ay sumasalamin sa maraming Pilipino na naghahanap ngayon ng mas sulit na paraan para kumonek sa Internet at ma-enjoy ang online activities nagbibigay-saya sa atin araw-araw,” sabi ni Kristine Go, SVP for consumer wireless business ng Smart.
“Maaasahan ng lahat na patuloy ang TNT sa paghahanap ng paraan para magbigay saya sa lahat ng subscribers nationwide at patunayan na sa TNT, ‘Sasaya Na Yan!’,” sabi ni Lloyd Manaloto, FVP and head of prepaid and content ng Smart.
Para malaman ang latest ‘Sulit Saya’ offers mula sa TNT, visit https://tntph.com/Pages/kadiskarte#sulitoffers at i-follow ang TNT sa Facebook, X, TikTok at Instagram.
Editor's Note: This press release is paid for by TNT.
- Latest