^

Bansa

Mga karangalang inani ng AYFO, pinuri

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ang ‘Albay Young Farmers Organization, Inc. (AYFO)’ dahil sa mga karangalang inani nito na ang pinakahuli ay ang taguring ‘first of its kind civil society youth organization (CSO)’ sa bansa.

Isinulong at tinulungan ni Salceda ang pagtatag ng AYFO at mga adhikain at programa nito na naglalayong palaguin ang sektor ng agrikultura at maging puwersa ng kabataan tungo sa tiyak na kasaganaan sa pagkain sa Albay at buong rehiyon ng Bicol at sa buong bansa.

Tinanggap ng AYFO ang pinakahuling parangal nito noong ika-1 ng Disyembre 2023 mula kay Department of Agriculture (DA) Bicol Regional Director Rodel P. Tornilla. Kinila ng DA ang AYFO bilang “lehitimong CSO” at ‘partner’ ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa sa agrikultura at pangingisda at iba pang mga katulad na inisyatibo.

Binigyang diin ni Salceda ang napakahalagang papel ng AYFO sa pagpapalaganap ng mga tamang kaalaman at impormasyon sa makabagong teknolohiya sa agrikultura at pagsasaka na ayon sa kanya  ay  “crucial” na kailangan para sa mga susunod na henerasyon.

Patuloy na binabandila ng AYFO ang misyon at kampanya nitong “Walang Albayanong Magugutom” na ayon kay Salceda ay nakaugat sa paniniwalang ang ‘food security’ ay isang “fundamental human right” na pinahahalagahan ng mga Albayano para sa lahat. 

vuukle comment

JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with