^

Bansa

113 SUCs may taas-budget ngayong 2024

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
113 SUCs may taas-budget ngayong 2024
Sa 2-pahinang sulat na may petsang Enero 10 na ipinadala sa tanggapan ni Speaker Romualdez, nagpasalamat din sa Kamara si Dr. Tirso Ronquillo, pangulo ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC), na siya ring pangulo ng Batangas State University, sa Kamara sa paglalagak ng “unprogrammed funds” na magagamit para sa kakulangan sa free higher education (FHE) noong school year 2022 at 2023.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang organisasyon ng 113 state universities and colleges (SUC) kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa inilaang P128.1 bilyong budget sa kanila ngayong 2024, mas mataas ng P27.3 bilyon kumpara sa kanilang panukalang budget.

Sa 2-pahinang sulat na may petsang Enero 10 na ipinadala sa tanggapan ni Speaker Romualdez, nagpasalamat din sa Kamara si Dr. Tirso Ronquillo, pangulo ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC), na siya ring pangulo ng Batangas State University, sa Kamara sa paglalagak ng “unprogrammed funds” na magagamit para sa kakulangan sa free higher education (FHE) noong school year 2022 at 2023.

Tiniyak ni Speaker Romualdez sa PASUC na prayoridad na mapondohan ang mga paaralang pinatatakbo ng gobyerno.

“This has always been the marching order of our President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. to make sure that our students are not left behind in this globalized era,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Ronquillo, kasama sa matutulungan ng dagdag na P27.3 bilyon ang 1.85 milyong estudyante na nag-aaral sa iba’t ibang SUC sa bansa, 72,000 faculty at staff, at 50,000 job orders at contract of service workers.

SUC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with