UN Special Rapporteur Irene Khan makikipagpulong sa Palasyo
MANILA, Philippines — Makikipagpulong kay Executive Secretary Lucas Bersamin si UN Special Rapporteur Irene Khan ngayong araw sa Malacañang, ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoms).
Si Khan ay nasa Pilipinas para sa 10 araw na pagbisita upang magsagawa ng assessment sa human rights mechanism ng Pilipinas partikular na ang freedom of opinion at expression.
Hindi naman tinukoy ng PTFoMS kung pag-uusapan nina Khan at Bersamin ang isyu sa operasyon ng illegal na droga na isinagawa sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang nahaharap sa kasong crimes against humanity si Duterte sa International Criminal Court dahil naging madugo umano ang kampanya nito kontra illegal na droga.
- Latest