^

Bansa

P35 milyong halaga ng ayuda inilabas sa mga biktima ng pagbaha sa Davao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang tanggapan ni Speaker­ Ferdinand Martin G. Romualdez, at ang Tingog­ Partylist katuwang si Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos, Jr. upang agad na ma­kapaghatid ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Davao.

Umabot sa P35 milyon ang halaga ng tulong bukod pa sa 17,500 food packs ang naiparating sa pitong distrito ng probinsya na apek­tado ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region.

Iniulat ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council na nasa 45,000 pamilya o 187,000 indibidwal ang apektado ng pagbaha at landslides bunsod ng mala­kas na pag-ulan mula pa noong Martes dulot ng shear line.

Binigyang diin ni Speaker Romualdez na mayroong 300 mahigit 300 miyembro ang kahalagahan ng agarang pagtugon kasabay ng pagtiyak na hindi mapapatid ang pagkakaloob ng kinakailangang tulong sa mga residente ng Davao Region na naapektuhan ng kalamidad.

“Every moment counts, and we are working tire­lessly to ensure that finan­cial aid and essential supplies reach those in need without delay.  We understand the gravity of the situation, and our combined efforts aim to alleviate the immediate challenges faced by our fellow Filipinos,” ayon kay Romualdez.

Pagtiyak naman nina Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ginagawa ng administrasyong Marcos ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima.

“Our hearts go out to the people of the Davao Region facing the aftermath of this natural disaster,” saad ni Rep. Yedda Romualdez.

Ayon sa House Speaker­, nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para kagyat na mailabas ang tig-P5 milyon tulong sa bawat distrito sa Davao Region sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Kada distrito ay bibig­yan din ng 2,500 food packs at nagkakahalaga ng P350 ang kada pack.

JR.

FERDINAND MARTIN

FERDINAND R. MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with