^

Bansa

47% ng Pinoy aminadong naghihirap, lamang sa 20% na 'not poor' — SWS

James Relativo - Philstar.com
47% ng Pinoy aminadong naghihirap, lamang sa 20% na 'not poor' � SWS
This photo taken on January 15, 2024 shows passengers wait for jeepneys along a street in Manila. Philippine jeepney drivers staged a noisy protest in the capital Manila on January 16, 2024 over the government's plan to phase out the smoke-belching vehicles nationwide and replace them with modern mini-buses.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Halos kalahati ng populasyong Pilipino ang nagsasabing sila'y mahirap kumpara sa iilang kumportable ang buhay, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa bago magtapos ang taong 2023.

Ito ang resulta ng ikinasang harapang panayam ng SWS sa 1,200 Pilipinong nasa wastong gulang simula ika-8 hanggang ika-11 ng Disyembre noong nakaraang taon:

  • mahirap: 47%
  • nasa hangganan: 33%
  • hindi mahirap: 20%

"Compared to September 2023, the percentage of Poor families hardly moved from 48%, while Borderline families rose by 6 points from 27%, and Not Poor families fell by 5 points from 25%," wika ng SWS kanina.

"The estimated numbers of Self-Rated Poor families were 13.0 million in December 2023 and 13.2 million in September 2023."

Ang isang puntos na ibinaba ng self-rated poverty (SRP) sa buong Pilipinas ay iuugnay ng SWS sa pagbaba nito sa Mindanao at bahagyang pagtaas sa Balance Luzon. Samantala, halos hindi ito nagbago sa National Capital Region (NCR) at Visayas.

Narito ang SRP figures mula sa mga sumusunod na lugar nitong Disyembre:

  • Metro Manila: 37%
  • Balance Luzon: 39%
  • Visayas: 58%
  • Mindanao: 61%

"Compared to September 2023, Self-Rated Poor fell in Mindanao from 71% to 61%. However, it rose slightly in Balance Luzon from 35% to 39%," dagdag ng SWS.

"It hardly moved in Metro Manila from 38% to 37%, and the Visayas from 59% to 58%."

Samantala, tumaas naman ang mga nasa "borderline" sa Balance Luazon mula 25% patungong 34% at Mindanao mula 25% patungong 32%. Halos hindi ito nagbago sa Visayas mula 32% patungong 35%, habang napanatili ito sa 29% sa NCR.

Halos hindi rin nagbago ang bahagi ng Metro Manila population na hindi mahirap mula 33% patungong 35%, Mindanao mula 4% patungon 6%, at Visayas mula 8% patungong 7%. Bumaba naman ito sa Balance Luzon mula 40% patungong 27%.

Pamamayagpag ng mga 'food borderline'

Samantala, lumalabas naman sa self-rated foot poverty na 32% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay "food poor," habang 41% naman ang nagsasabing sila'y "food borderline."

Higit na mas mataas ang mga nabanggit kumpara sa 26% na nagsasabing hindi sila food poor.

"In the last eight quarters, the national median Self-Rated Poverty Threshold (SRP Threshold) stayed at P15,000, while the national median Self-Rated Poverty Gap (SRP Gap) rose from P5,000 in September 2023 to P7,000 in December 2023," dagdag pa ng SWS.

Tumutukoy ang SRP threshold sa minimum na buwanang budget na kailangan ng mga self-rated poor families para sa pang-araw-araw na gastusin para masabi nilang hindi na sila mahirap.

Mabagal ang paggalaw ng SRP threshold sa mga nakaraang taon sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bilihin, bagay na nangangahulugang tumitindi ang kanilang pagtitipid.

Ang Fourth Quarter 2023 Social Weather Survey ay kumuha ng tig-300 respondentys mula Metreo Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao sa naturang time period.

Mayroon itong sampling error margins na ±2.8% para sa national percentages habang ±5.7% naman ang ginamit para sa nalalabing bahagi ng bansa.

Walang nagkomisyon ng nasabing survey at isinagawa aniya sa sariling inisyatiba ng SWS bilang porma ng serbisyo publiko.

vuukle comment

ECONOMY

FOOD

POVERTY

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with