^

Bansa

Paggamit ng single-use plastics, iwasan na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang publiko na iwasan na ang patuloy na paggamit ng single-use plastics at mas maging maingat sa pagtatapon ng basura.

Sinabi ni Legarda sa 28th UN Climate Change Conference (COP28) sa Dubai, na kailangan nang itulak ang ating sarili na mamuhay nang mas sustainable dahil ang mga plastic ay gumagamit ng fossil fuels na siyang nagdaragdag sa mas maraming greenhouse gas emissions sa mundo.

Sa kabila naman umano ng pamumuhay nang simple ay maaari pa rin gumamit ng mga materyal na sustainable, reusable at hindi nakapipinsala sa kapaligiran para mabawasan ang ating dependency sa single-use plastics.

Ang pahayag ay ginawa ng senador bilang paggunita sa buwan ng Enero bilang “Zero Waste Month”.

Ayon sa proklamasyon, lahat ng local government units at mga sangay ng pamahalaan ay hinihikayat na sumuporta at makilahok sa mga gawaing kaugnay ng Zero Waste Month.

Pabigat anya  sa kapaligiran ang single-use plastics, lalo sa ating local setting, kung saan walang pag-iingat na itinatapon ang mga basura sa mga ilog na nagdudulot ng pagbabara, na humahantong sa malawakang mga pagbaha na naglalagay sa panganib sa libo-libong mga buhay.

vuukle comment

LOREN LEGARDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with