^

Bansa

'Nag-break kami pero bati na. Okey?': Sharon Cunenta sa relasyon kay Kiko Pangilinan

James Relativo - Philstar.com
'Nag-break kami pero bati na. Okey?': Sharon Cunenta sa relasyon kay Kiko Pangilinan
Litrato nina Francis "Kiko" Pangilinan, Sharon Cuneta at kanilang pamilya
Mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

MANILA, Philippines — Back to regular programming na sina "Megastar" Sharon Cuneta at dating Sen. Francis "Kiko" Pangilinan matapos magkasamaan ng loob, mag-crop-an sa litrato at saglitang mag-split.

'Yan ang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram live video nitong Bagong Taon, kung saan makikitang kasama niya ang buong pamilya at asawa.

"Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami. So okey na kami, okey?" paliwanag niya nitong Lunes.

"That's the meaning on all the messages I posted."

Hindi naman idinetalye ng singer-actress kung ano ang kanilang pinag-awayan at mukhang haping-happy habang binabati ang lahat ng Happy New Year.

Tumugon naman dito ang dating senador: "Sabi ko nga, 'Lahat ng pamilya, lahat ng mag-asawa, nangyayari ang tampuhan.'"

Lahat nang ito ay nangyari matapos i-crop ni Sharon Cuneta si Kiko sa kanilang family photo, dahilan para isipin nang marami na merong problema sa dalawa.

Ilang araw matapos ito, bumawi naman ang mang-aawit at nagpaskil naman ang ng kanilang family photo habang ulo naman niya ang naka-crop out, bagay na may caption na: "It's a tie."

"There will be a lot of changing in my social media accounts, of course [this 2024]. And I'm sorry for everyone I have hurt."

"Every post I made was showing when I was sad... After sadness, we fix some things and we become happy... We good, we normal. We just got some emotions 'cause we're people."

Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit kinakailangan pang maging masama ng mga tao sa kanya at kanilang pamilya matapos ang kanilang pinagdaanan. 

Binati din ni Mega sa video ang kanyang anak sa unang asawang si KC Concepcion, habang idinidiing hindi siya kinalilimutan ng kanilang pamilya.

Una nang sinabi ni KC, isa ring aktres, na unang beses niyang nakasama ang amang si Gabby Concepcion nitong Pasko. 

Aminado si KC na dati na silang nagkakaroon ng hindi pagkakasundo ng ina ngunit hindi naman daw mawawala ang pagmamahal. Idiniin din niyang nais niya uling maging bespren ang kanyang nanay.

vuukle comment

BREAK UP

FRANCIS PANGILINAN

NEW YEAR

RECONCILIATION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with