^

Bansa

P56.06-M halaga ng shabu mula USA bistado, isinilid sa 'pagkain'

James Relativo - Philstar.com
P56.06-M halaga ng shabu mula USA bistado, isinilid sa 'pagkain'
Inaresto ng pinagsamang pwersa ng BOC at PDEA ang isang lalaking consignee nito sa Cavite matapos ang isang controlled delivery operation sa probinsya ng Cavite nitong ika-19 ng Disyembre.
Released/Bureau of Customs

MANILA, Philippines — Milyun-milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bureau oc Customs-Port of Clark at mga ahente ng gobyerno, bagay na ikinaaresto ng isang suspek mula sa Cavite.

Ika-17 ng Disyembre nang dumating sa Pilipinas ang walong heat-sealed plastics mula California, USA na idineklarang "dry food." Pero agad itong isinailalim sa matinding x-ray screening at K9 sniffing kaugnay ng impormasyong ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Matapos ang physicial examination at PDEA chemical laboratory analysis, nakumpirmang naglalaman ito ng package ng 8,126 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P56,069,400.

"This arrest only shows that we are steadfast and firm in our efforts to protect the health of our people against the harmful effects of the illicit trade of drugs in the country," ani Customs commissioner Bienvenido Rubio sa isang pahayag.

 

 

Inaresto tuloy ng pinagsamang pwersa ng BOC at PDEA ang isang lalaking consignee nito sa Cavite matapos ang isang controlled delivery operation sa probinsya ng Cavite nitong ika-19 ng Disyembre.

Ito na ang pinakamalaking illegal drug apprehension na naitala sa Port of Clark ngayong 2023.

Una nang naglabas ng warrant of seizure and detention laban sa naturang subject shipment dahil sa paglabag diumano sa Republic sa 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. Kaygnay pa rin ito ng  to R.A. No. 9165.

BUREAU OF CUSTOMS

CALIFORNIA

PORT OF CLARK

SHABU

UNITED STATES OF AMERICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with