^

Bansa

Duterte sinubpoena ng korte sa grave threat kay Castro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte sinubpoena ng korte sa grave threat kay Castro
Former president Rodrigo Duterte
Presidential Photo / Roemari Lismonero

MANILA, Philippines — Inisyuhan na ng subpoena ng Quezon City ­Prosecutor Office si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte upang sagutin ang kasong grave threats na inihain laban dito ni House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.

Sa subpoena na nilagdaan ni Quezon City Senior Assistant City Prosecutor Ulric Badiola, inatasan nito si Digong na dumalo sa Office of the City Prosecutor sa Justice Cecilia Muñoz Palma Building (DOJ) sa Elliptical Road, Quezon City sa Disyembre 4 at 11, 2023 dakong alas -2:30 ng hapon.

Kapag nagkataon, ito ang kauna-unahang pagkakataon na haharap si Digong sa paglilitis matapos ang termino nito bilang Pangulo ng bansa.

Inatasan din ng korte si Digong na magsumite ng kaniyang counter-affidavit kasama ang affidavits ng kaniyang mga testigo at iba pang mga dokumento.

“No motion to dismiss shall be entertained. Only Counter-affidavit shall be admitted. Otherwise, Respondent/s is/are deemed to have waived the right to present evidence,” ayon sa subpoena at nilinaw rin na walang pagpapaliban dito maliban na lamang sa mga insidenteng mayroong katanggap-tanggap na kadahilanan.

Pinadadalo din ng QC Prosecutors Office si Castro at mga testigo nito upang patunayan ang katotohanan sa nasabing alegasyon.

Nag-ugat ang kaso matapos umanong pagbantaan ni Digong si Castro na ang intelligence funds umano ay gagamitin niya upang ipapatay ang lady solon na sinasabing may ugnayan sa CPP-NPA.

vuukle comment

ACT TEACHERS PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with