^

Bansa

Rep. Garin naglagak ng piyansa sa Dengvaxia case

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Rep. Garin naglagak ng piyansa sa Dengvaxia case
“Nagkaroon ng judicial finding of probable cause, this is the basis for the issuance of warrant of arrest and hold departure order,” anang Sandiganbayan 2nd Division pero dahil naglagak na ng piyansa si Garin at iba pang mga da­ting Health officials ay hindi na kailangang mag-isyu pa ng warrant of arrest laban sa mga ito.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Agad naglagak ng piyansa nitong Lunes ng hapon si dating Health Secretary at Iloilo Rep. Janette Garin matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan dahil sa kasong graft at technical malversation kaugnay ng maanomal­yang pagbili ng P3.5 bil­yong halaga ng Dengvaxia vaccines noong 2015.

Una nang ipinagharap ng reklamo sa Ombudsman si Garin na ipinasa naman ang sakdal sa Sandiganbayan.

“Nagkaroon ng judicial finding of probable cause, this is the basis for the issuance of warrant of arrest and hold departure order,” anang Sandiganbayan 2nd Division pero dahil naglagak na ng piyansa si Garin at iba pang mga da­ting Health officials ay hindi na kailangang mag-isyu pa ng warrant of arrest laban sa mga ito.

“Posting bail is part of the agonizing process to prove our innocence. It is a crucial step in ensuring fair trial and safeguarding one’s rights,” ayon kay Garin, House Majority Leader.

Bukod kay Garin kabilang pa sa isinakdal ang mga dating Health officials na sina Gerardo Bayugo, Maria Joyce Ducusin, Kenneth Hartigan-Go at da­ting Philippine Children’s Medical Center Executive Director Julius Lecciones.

DENGVAXIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with