^

Bansa

Walang trabaho sa 'Pinas nasa 2.26-M na, lumobo sa ika-2 sunod na buwan

James Relativo - Philstar.com
Walang trabaho sa 'Pinas nasa 2.26-M na, lumobo sa ika-2 sunod na buwan
Workers continue to operate at a construction site in Santa Cruz, Manila on October 26, 2023.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bahagyang lumobo ang bilang ng Pilipinong walang trabaho nitong Setyembre 2023 patungong 2.26 milyon, ang ika-2 sunod na buwan ng pagtaas ng unemployment rate sa bansa. 

Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules, ang bilang na ito ay mas malaki nang 50,000 kumpara sa naitalang unemployed nitong nakaraang Agosto.

"The unemployment rate was posted at 4.5 percent in September 2023, which was lower compared with the 5.0 percent unemployment rate in the same month of the previous year, but slightly higher than the unemployment rate in August 2023 at 4.4 percent," sabi ng PSA. 

"The number of unemployed persons in September 2023 decreased to 2.26 million from 2.50 million in September 2022, with a year-on-year decrease of 234 thousand unemployed individuals. However, the number of unemployed persons in September 2023 was higher compared with the number of unemployed persons in August 2023 at 2.21 million."

Narito ang mga mahahalagang datos mula sa Labor Force Survey kung titilad-tilarin ang mga numero:

  • Walang trabaho: 2.26 milyon
  • Unemployment rate: 4.5%
  • May trabaho: 47.67 milyon
  • Employment rate: 95.5%
  • Underemployed: 5.11 milyon
  • Underemployment rate: 10.7%
  • Labor Force Participation Rate: 64.1%

Kasabay ng pagtaas ng kawalang trabaho ang pagbaba rin ng employment rate noong naturang buwan, bagay na nasa 95.6% noong Agosto.

Samantala, kapansin-pansin namang lumiit ang underemployment na siyang naitala sa 11.7% isang buwan bago lumabas ang mga panibagong datos.

"Underemployed persons are those who expressed the desire to have additional hours of work in their present job, or to have an additional job, or to have a new job with longer hours of work," paliwanag pa ng gobyerno.

"Visible underemployment rate or the proportion of underemployed persons working less than 40 hours in a week was reported at 6.8 percent, lower than the reported 9.8 percent rate in September 2022 and 7.5 percent in August 2023."

Humihingi pa naman ang Philstar.com ng reaksyon mula sa economic think tank na IBON Foundation at Bukluran ng Manggagawang Pilipino tungkol sa isyu ngunit hindi pa nagbibigay ng pahayag sa ngayon.

'Confidential funds ilipat sa manufacuturing, agri '

Kinastigo naman ng Kilusang Mayo Uno ang kawalan diumano ng gobyerno ng sustainable job creation program, dahilan para hindi matugunan nang maayos ang problema ng trabaho sa bansa.

"Noong Setyembre, ipinagmamalaki ng gobyernong Marcos ang Trabaho Para Sa Bayan Act na reresolba diumano sa mga usapin ng trabaho sa Pilipinas," ani Jerome Adonis, secretary general ng KMU.

"Pero mas nakapokus pa nga ito sa sinasabing job mismatch. Kahit pa mag-upskill at reskill ang manggagawa nang paulit-ulit. Kung wala namang sustenableng job creation program, wala rin."

"Itong pagkalagas ng trabaho sa manufacturing, retail trade at agrikultura, reflective ng pagkawala ng sustenableng mga trabaho. Supposedly, kung papaunlarin ang ekonomya ng bansa, ito ang tutuunan dahil pag umunlad ang mga sektor na ito, mas dadami pa ang mga trabaho," dagdag ni Adonis.

Aniya, hindi mareresoloba ng kumparahan ng datos ang problema sa kalidad ng trabaho sa ngayon, lalo na't marami pa rin daw ang kontraktwal o 'di kaya'y mababa ang sahod sa "'di makataong kondisyon sa trabaho."

Inirerekomenda nila ngayon na mailagay na lang ang kontrobersyal na confidential funds ng pamahalaan sa pagbubuo ng programa sa pagpapaunlad ng agrikultura at local manufacturing, lalo na't magdudulot daw ito hindi lang gn full employment kundi mga trabahong "fulfilling."

Naitala ang pagtaas ng kawalang trabaho ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, panahon kung kailan papataas ang paggastos ng mga Pinoy bunsod ng holidays.

Lumabas ang mga naturang datos ng mas mataas na unemployment rate kahit na bumagsak sa 4.9% ang inflation rate dahil sa "mas mabagal" na pagtaas ng presyo ng pagkain.

ECONOMY

JOBLESSNESS

KILUSANG MAYO UNO

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

PSA

UNEMPLOYMENT

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with