^

Bansa

2 nabubulok na bangkay sa container galing Pinas, naipadala sa Thailand

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang naagnas na katawan ng hindi pa nakikilalang Pinoy ang natagpuan sa loob ng shipping container sa Laem Chabang Port sa Lad Krabang, Thailand nitong Oktubre 2, 2023.

Ayon sa salaysay ng Station commander ng Pantalan sa Thailand, galing Pilipinas ang container mula sa MV Ever Beady noong Setyembre 23, 2023

Sinasabi sa report, nang buksan ng warehouse personnel ang nasabing container para linisin, tumambad rito ang nakasusulasok na amoy at nabubulok na katawan ng isang babae at isang lalaki na kapwa Pilipino.

May suot pang gintong singsing ang naagnas na katawan ng babae, habang ang lalaki naman ay nakasuot ng shorts, walang pang-itaas, at mayroong tattoo sa dibdib, braso, at likod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa Thailand, posibleng nasa 2 linggo ng patay ang dalawang ‘di pa nakikilalang Pinoy na walang senyales na pinahirapan o nanlaban.

Sa loob ng container ay nakita rin ang isang itim na t-shirt na mayroong katagang: “Alpha Kappa Rho, Vincit Omnia Veritas”, isang fraternity na itinatag sa Pilipinas noong 1973.

Ayon kay Police Liutenant Colonel Narongit Thongtawee, inspector ng Nopphawong Railway Police Station sa Thailand, naipaalam na nila sa embahada ng Pilipinas ang kanilang natuklasan at magsagawa ng imbestigasyon sa nagdala ng container mula sa Pilipinas.

Sinasabing walang sistema ng monitoring ng container sa Pilipinas gaya ng sistema sa ibang bansa.

Matatandaang isinusulong ng Philippine Ports Authority ang pagkakaroon ng Trusted O­perator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS) na isang electronic system na mag-tatakdang i-register at ma-monitor ang galaw ng mga containers na pumapasok at lumalabas sa mga pantalan na siyang mahigpit na tinutulan ng ilang mga shipping lines at ng Alliance of Concerned Truck ­Owners and Organizations (ACTOO).

Sa ilalim sana ng TOP-CRMS kung naipasa, ay magkakaroon ng maayos na electronic log ang mga container na labas-masok sa bansa at magkakaroon ito ng container insurance policy para masigurong makakarating ito ng ma­ayos sa pagdadalahan.

LAEM CHABANG PORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with