^

Bansa

Child marriage, rape pinapayagan ng ‘kultong’ Socorro

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Child marriage, rape pinapayagan ng âkultongâ Socorro
Pinangunahan nina Senators Ronald dela Rosa at Risa Hontiveros ang pagdinig sa umano’y “kulto” na Socorro kung saan humarap sa Senado ang ilang tumakas na kabataang miyembro nito.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Pinapayagan umano ng “kulto” na Socorro Ba­yanihan Services Inc. (SBSI) ang child marriages at panggagahasa ng mga asawang lalaki sa kanilang asawang menor-de-edad.

Ito ang ibinunyag ng dating miyembro ng SBSI na si Alyas Jane na noong nakaraang taon noong siya ay 14 taong gulang lamang ay sapilitang ipinakasal sa isa rin nilang miyembro na 18 taong gulang subalit hindi niya kilala.

Sa testimonya pa ni alyas Jane sa joint Senate hearing na pinamumunuan nina Senators Ronald dela Rosa at Risa Hontiveros., pinapares ng umano’y lider ng kulto na si Jey Rence Quilario, alyas Senior Agila ang mga batang lalaki at babae para magpakasal.

Inuutusan din umano ang mga lalaki na i-rape ang kanilang mga asawa sa loob ng tatlong araw matapos ang kasal.

Ang mga batang tumatanggi umano ay paparusahan sa pamamagitan ng paddle, papaluin ng baril at mapipilitan na pumili ng parusa sa pamamagitan ng roleta o ikukulong sa ‘foxhole” o maliit na kubo sa gitna ng kagubatan na walang kontak sa ibang tao.

Sa tanong naman ni Dela Rosa bakit pinayagan siya ng kanyang mga magulang na miyembro rin ng SBSI na ipakasal siya sa murang edad, sagot ni Jane ito raw ang batas para makapunta sila sa langit.

Bukod pa dito, ang mga babaeng menor-de-edad na miyembro ng SBSI ay pinagbabawalan din na pumasok sa paaralan, kaya tumakas si Jane dahil sa pagpilit na magpakasal siya sa murang edad at sa mahirap na trabaho pinapagawa sa kanila.

Bukod sa child marriages ay pinipilit rin umano ni Senior Agila ang mga miyembro ng SBSI na ibenta ang kanilang mga ari-arian at sumama sa kanila sa bundok ng Sitio Kapihan sa Brgy N. Sering, Socorro, Surigao del Norte.

Samantala, dahil sa pagsisinungaling ay pina-contempt ng Senado si Senyor Agila at tatlo pang kasama nito na sina Mamerto Galanida, Janeth Ajoc at Karren Sanico. Ito’y nang tanungin sila ni Hontiveros kung mayroon child marriages at rape na nangyayari sa mga miyembro ng SBSI na mariin namang itinanggi ng apat.

CHILD MARRIAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with