^

Bansa

Itatayong Super Health Center sa San Mateo, pinangunahan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on health and demography, sa groundbreaking ce­remony ng Super Health Center sa San Mateo, Rizal noong Huwebes.

Dumalo rin sa event ang mga lokal na opis­yal, kabilang sina Gobernador Nina Ricci Ynares, San Mateo Mayor Bartolome “Omie” Rivera, Jr., Vice Mayor Jaime Romel Roxas, Municipal Health Officer Dr. Nyl Jarem Amorsolo, at iba pa.

“On behalf po ng aming bayan, kami po ay nagpapasalamat sa ating butihing Senador Bong Go sa pag-a-alay po ng suporta at pondo para mapatayo ang expansion ng Super Health Center. Ang proyekto pong ito ay makatutulong nang mas mapaigi pa ang ating serbisyong medikal,” sabi ni Dr. Amorsolo.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kritikal na papel ng Super Health Centers sa pag-decongest ng mga ospital, pagpapadali sa maagang pagtuklas ng sakit, at pagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng pangunahing pangangalaga at mga medikal na konsultasyon nang direkta sa komunidad.

“Ano po itong Super Health Center? Ito ay isang katamtamang uri ng isang polyclinic. Pwede po diyan ‘yung panganganak, dental, laboratory, x-ray, pagpapabakuna. Alam n’yo naisipan ko po ‘yang Super Health Center noong 2021. Sa kakaikot ko po sa buong Pilipinas, ‘yung mga may sakit anlayo ng biyahe, yung mga buntis na nanganganak na lang sa tricycle o sa jeepney dahil malalayo ang ospital. Ngayon po mayroon na kayong sarili ninyong health center. Pwede na po diyan ‘yung panganganak, pagkonsulta, at iba pa,” ayon kay Go.

Bukod sa San Mateo, may iba pang Super Health Center na pinondohan para itayo sa Rizal, kabilang ang dalawa sa Antipolo City, isa sa Binangonan, Jala-Jala, Rodriguez, Taytay, Tanay, Angono, Cainta, at Cardona.

Binanggit din ni Go na may mga Malasakit Center na sa lalawigan na maaari ring puntahan kung kailangan ng suporta ng mga pasyente sa kanilang gastusin sa pagpapagamot.

HEALTH CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with