^

Bansa

P5.768 trilyong 2024 ­budget sasalang na sa ­plenaryo ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda nang isalang umpisa sa Setyembre 19 sa plenaryo ng Kamara ang deliberasyon sa P5.768 trilyong General Appropriations Bill (GAB) ng pamahalaan para sa taong 2024.

Ito’y matapos makalusot sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations ang mga ahensya at tanggapan ng gobyerno.

Una nang ipinangako ni House Speaker Martin Romualdez na tatapusin sa takdang panahon ang paghimay sa P5.678 trilyong National Expenditures Program (NEP) ng pamahalaan para sa susunod na taon. Nais ni Romualdez na bago mag-recess ang sesyon ng Kongreso sa Setyembre 29 ay maipadala na sa Senado ang naaprubahang bersiyon ng Kamara.

Kabilang sa tatalakayin ay ang nasa P10 bilyong confidential at intelligence funds ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Patuloy namang nanawagan ang Makabayan bloc na alisin ang confidential at intelligence funds sa pambansang budget.

Sinabi ni 2nd District Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, Senior Vice Chairperson ng Committee on Appropriations, naaprubahan na sa level ng panel ang national budget kaya isusunod na dito ang debate ng mga mambabatas sa plenaryo.

Unang isasalang ang pondo ng Development Bud­get Coordination Committee (DBCC) o ang economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang dito ang Department of Finance (DOF) at mga ahensiyang saklaw nito; National Economic Deve­lopment Authority (NEDA); Executive Offices at iba pa.

Inaasahang muli ring uungkatin ng Makabayan bloc ang bilyong halaga ng confidential at intelligence funds ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Vice President Sara Duterte gayundin ang iba pang mga ahensya ng gobyerno.

vuukle comment

COMMITTEE

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with