^

Bansa

Lisensya ng ex-PNP na 'nagkasa ng baril' sa siklista 90-araw suspendido

James Relativo - Philstar.com
Lisensya ng ex-PNP na 'nagkasa ng baril' sa siklista 90-araw suspendido
Retired policeman Willie Gonzales is seen in images taken from video drawing a gun on a cyclist and striking him on the head during a traffic altercation near the Welcome Rotonda in Quezon City on Aug. 8. Lower right photo shows Gonzales and Quezon City Police District chief Brig. Gen. Nicolas Torre III (left) holding a press conference at Camp Karingal yesterday, with the pistol Gonzales used in the incident in the foreground.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naglabas ng 90-araw na "preventive suspension" ang Land Transportation Office (LTO) sa driver's license ng motoristang bumunot at nagkasa ng baril laban sa isang nagbibisikleta sa Quezon City — bagay na kanya ring sinaktan.

Lunes lang nang sumuko sa Quezon City Police District ang dating pulis na si Willie Gonzales ilang oras matapos i-upload ng abogadong si Raymond Fortun ang video na ipinaskil ng Facebook user na si Mr. BI Vlogs.

"Ang ipinataw nating preventive suspensyon ay isang mabilis na aksyon mula sa inyong LTO upang matiyak na hindi na niya uulitin ang nangyaring pananakit at paglabas ng baril sa isang bicycle rider," ani LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II kahapon.

"Hindi pa ito ang final decision. Kasalukuyang ini-imbestigahan ang kasong ito at depende sa outcome ng pag-iimbestiga, maaring permanent revocation at lifetime na hindi na siya maiisyuhan ng driver’s license."

 

 

Ipinaliwanag ni Mendoza, Lunes, na ang suspensyon ng lisensya ni Gonzales ay epektibo habang gumugulong ang imbestigasyon sa posibilidad ng permanenteng pagkakabawi nito.

Paliwanag ng LTO, kahit na malinaw na hindi maganda ang asal ni ni Gonales ay kinakailangan pa ring igalang ang kanyang karapatan.

"But pending the result of the ongoing investigation, the driver’s license of Mr. William Gonzales is temporarily suspended for 90-days," patuloy ni Mendoza, lalo na't may kapangyarihan ang LTO gawin ito sa ilalim ng Section 27 ng Republic 4136 sa mga grave offenses.

'Hindi niyo alam nangyari'

Sa isang press conference kasama ang QCPD, nanawagan naman si Gonzales na dapat maging responsable ang social media users sa pagbabahagi ng naturang viral video.

"Ang pakiusap ko lang po sana... sana 'yung mga vlogggers, sana maging responsable sila. Hindi nila alam ang puno't dulo, marami kaagad magco-comment, nakita nagkasa, hindi naman nila nakita eh 'yung tunay na pangyayari, 'yung umpisa, na mula sa ganitong lugar, malayo, mahirap po 'yun," paliwanag niya.

"'Yun lang ho 'yung pinakiusap ko sa mga vloggers ngayon kasi kawawa naman 'yung mga anak ko, mga kapamilya ko, parang ang sama-sama kong tao."

 

 

Sinabi rin ni QCPD director Brig. Gen. Nicolas Torre III na ang nagkaareglo na si Gonzales at ang hindi pa pinapangalanang siklista.

Nauna nang ibinunyag ni Mendoza na hindi kay Gonzales nakarehistro ang sasakyang minamaneho nang mangyari ang insidente noong ika-8 ng Agosto sa QC.

Epektibo pa rin naman ang show cause order ng LTO sa may-ari ng KIA Rio na ginamit ng nag-road rage na lalaki. Inaasahan ng mga otoridad ang paglutang ng nabanggit sa ika-31 ng Agosto.

Tatanggalan ng lisensya ng baril?

Bilang bahagi ng pagsuko, ibinigay na ni Gonzales ang kanyang Glock 17 pistol sa QCPD.

Titiyakin din daw ni Torre na mare-revoke ang license to own and possess firearms ni Gonzales.

Kung sakaling mapagdesisyunan ng siklistang magkaso, posibleng humarap sa reklamo ng light o grave threats at illegal possession of firearms.

Una nang inutusan ni QC Mayor Joy Belmonte ang QCPD na imbestigahan nang maigi ang kaso habang idinidiing hindi niya hahayaang ma-"whitewash" ang insidente.

CYCLIST

DRIVER'S LICENSE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROAD RAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with