^

Bansa

Signal No. 4 posible sa extreme northern Luzon dahil kay 'Goring'

James Relativo - Philstar.com
Signal No. 4 posible sa extreme northern Luzon dahil kay 'Goring'
Huling namataan ang sentro ng Typhoon Goring 220 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, ayon sa pinakahuling taya ng state weather bureau 4 a.m. ngayong Martes.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na itaas pa ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 4 sa extreme northern Luzon — ito habang posibleng lumakas uli at manumbalik ang pagiging super typhoon ng bagyong Goring.

Huling namataan ang sentro ng Typhoon Goring 220 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, ayon sa pinakahuling taya ng state weather bureau 4 a.m. ngayong Martes.

  • Lakas ng hangin: 155 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 190 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 10 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilaga hilagankanluran

Nakikitang magbabagsak ng 100-200 milimetrong ulan ang bagyo sa hilagangsilangang bahagi ng Babuyan Islands ngayong araw.

Samantala, 50-100 mm naman ng naipong ulan ang tinataya sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Abra, hilagang bahagi ng Apayao, and the northern and eastern portions of mainland Cagayan.

"The latest track forecast indicates that the typhoon may pass very close or make landfall in the vicinity of Batanes between tomorrow morning and afternoon (although a slight southward shift in the track forecast may bring the eye and eyewall region of the typhoon to the northern portion of Babuyan Islands)," paliwanag pa ng PAGASA.

"During this period, the typhoon is forecast to re-intensify and may peak at near-super typhoon strength by the time it passes very close or over Batanes (although re-intensifying into a super typhoon is not ruled out)."

Storm signal warnings

Signal no. 3

  • hilagang silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is.)

Nagbabanta tuloy ng storm-force winds sa naturang lugar sa susunod na 18 oras, bagay na posibleng magdala ng katamtaman hanggang matinding banta sa buhay at ari-arian.

Signal no. 2

  • Batanes
  • nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
  • dulong hilagangsilangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)

Tinataya ang nasa 62 hanggang 88 kilometro kada oras na bilis ng hangin sa mga nasabing lugar dulot ng mga "gale-force winds."

Signal no. 1

  • hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Camalaniugan, Pamplona, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala, Santo Niño)
  • silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan)
  • hilagang bahagi ng Apayao (Flora, Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela)
  • hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Vintar, Pasuquin, Burgos, Dumalneg, Adams, Pagudpud, Bangui)

Dahil sa malalakas na hangin sa mga naturang lugar, nagbabadya naman ang "minimal to minor threat to life and property."

"Wind Signal No. 4 is the highest possible warning level due to severe winds that may be hoisted by PAGASA over extreme northern Luzon," ayon pa sa PAGASA.

Nakikitang kikilos ang bagyo pahilagangkanluran o kanluran hilagangkanluran sa Luzon Strait ngayong araw hanggang sa lumabad ito sa Philippine area of responsibility sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.

Pinalakas na habagat magpapaulan

Patuloy namang magdadala ng minsanan o 'di kaya'y monsoon rains ang pinalakas na hanging habagat sa kanlurang bahagi ng central Luzon, southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Magdadala rin ito ng mahahanging kondisyon sa mga susumunod na lugar na walang wind signal ngayong araw: Aurora, Bataan, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, Camiguin, malaking bahagi ng Zamboanga Peninsula.

EXTREME NORTHERN LUZON

GORING

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with