^

Bansa

Bagyong Goring, lalo pang lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagyong Goring, lalo pang lumakas
Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyong Goring ay namataan ng PAGASA sa layong 145 kilometro silangan hilagang sila­ngan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 155 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 190 km kada oras.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglakas ng Bagyong Goring habang kumikilos patimog sa Sea East ng Cagayan.

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyong Goring ay namataan ng PAGASA sa layong 145 kilometro silangan hilagang sila­ngan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 155 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 190 km kada oras.

Dulot nito nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana) at extreme eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan).

Signal No. 2 sa eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo), eastern portion ng Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey), at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Habang Signal No. 1 sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at central portion ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis), Quirino, natitirang bahagi ng Isabela, Apayao, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Abra, eastern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras, Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui), Pollilo Islands, eastern portion ng Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan), eastern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal), at Calaguas Islands.

Inaasahan na kikilos si Goring sa pangkalahatang direksyon patimog timog silangan sa susunod na 24 oras bago umikot sa silangan timog silangan papuntang hila­ngang silangan sa Lunes.

Inaasahan na lalakas pa si Goring at maaabot ang super typhoon cate­gory sa Lunes.

Asahan na ang mala­kas na ulan sa mga na­banggit na lugar dahil sa bagyo.

Palalakasin din ni Goring ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.

vuukle comment

CYCLONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with