Paglaban vs human trafficking, paigtingin!
Pangulong Marcos sa IACAT
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at iba pang ahensiya ng gobyerno na paigtingin ang paglaban sa human trafficking para mapanatili ng bansa ang Tier 1 ranking ng US State Department.
Ang Tier 1 ranking ay ang pinakamataas na klasipikasyon na ibinibigay ng US State Department na nagpapakita na ang bansa ay nakasunod sa minimum standards para sa paglaban sa trafficking at aktibong tinutugunan ang nasabing isyu.
Sinabi ito ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano sa isang new forum sa Quezon City na binigyan na nila ang Pangulo ng situationer kaugnay sa isyu ng human trafficking at naunawaan naman umano nito ang lalim at gaano kalawak ang naturang problema.
“In fact, he has given specific instructions to maintain our Tier 1 ranking. That means he will support all the facets and all the programs that the IACAT has already put in place and he would like to enhance those programs,” giit pa ni Clavano.
Naunan nang nag isyu ang IACAT ng 2023 Revised Inter-Agency Council Against Trafficking Guidelines sa Departure Formalities para sa International-bound Filipino Passengers na umanoy makakatulong sa mga otoridad para labanan ang human trafficking.
Ang revised guidelines ay bahagi rin umano ng hakbang para mapanatili ng bansa ang Tier 1 ranking.
- Latest